Tuesday, August 31, 2010

Salamat

July 9, 2008...
My own


Sa unang pagkikita
Hindi agad nakilala
Mukha mong kakaiba
Ngayon sa aki'y nakatatak na

Boses mong kay ganda tuwing kumakanta
Ako'y nahuhumaling aking sinta
Sa paglikha ng tula
Ako'y iyong napahanga

Laging hiling sa aking paggising
Ngiti mong kay ganda 
Sa akin nakabungad na
Kay ganda ng umaga kung ikaw ang kasama

Araw at gabi, ikaw lang wala ng iba
Hindi ko hangad mga luho at karangalan 
Pag-ibig na tapat aking kelangan
Di man kagwapuhan 
May ipagmamalaki naman

Salamat aking mahal
Sa pag-ibig na iyong laan
Asahan mong pag-ibig ko'y sayo lang 
Ihahandog sayo, pakiingatan mo lang
Ako'y tutupad na walang iwanan 
Pangakong magpakailanman









No comments:

Post a Comment