Monday, August 30, 2010

A Poem

January 3, 2008



Paano ko sasabihin
Ako sayo'y may pagtingin
Pano ko aaminin
Kung di mo ako pansin

Wala akong maipagmamayabang
Nang sa kanya'y makalamang
Di laki sa karangyaan
Salat sa kayamanan

Tanging maipagmamalaki ko lang
Aking binibini
Pag-ibig kong nakakubli
Na labis ang pagsisisi

Kung sakaling dumating
Araw na ako'y ibigin
Asahan mong mamahalin
At aking iibigin

Marahil naguguluhan
Dahil ngayon lang nalaman
Wag sanang mag-alinlangan
Pagkat ito'y pawang katotohanan



By: Luha

No comments:

Post a Comment